Alam mo ba ang pakiramdam ng napangakuan pagkatapos hindi natupad?
Ang makaaway mo ang pamilya mo at pakiramdam mo wala ka nang kakampi?
Ang sigawan at kausapin ka ng pabalang na parang hayop ang kausap nila at hindi tao.
Yun mismo ang nararamdaman ko ngayon.
Kahit kailan sa pamilya namin ay hindi kame nagkakaroon ng pagkakataon na magkaroon ng bonding. Na tipong tuwing summer ay nag-aouting katulad ng ibang pamilya. Hindi naman masasabi na kapos ang pamilya namin pero ang mga ate q ay maxadong matipid sa pera kaya kahit ang kaunting kasiyahan namin na ay nauudlot pa.
Para sa kanila ang mga pangangailangan ang dapat unahin at kapag nagdare ka na humingi ay puro sermon,dakdak at panunumbat muna ang makukuha mo.
Sawang-sawa na ako sa kanila. Kumikilos sila na para bang sila na ang kumokontrol sa pera ng pamilya!
Oo, Naiintindihan ko n tlgang maraming kailangan at gastusin sa maynila pero pinangako ni papa na bibigyan nya ko! Matagal na iyon at nauwi na lang sa wala ang lahat. Sa tuwing mabibigyan ako pakiramdam ko palagi nilang hinaharang! Mas gugustusin pa nila na mapunta sa kabit ng papa ko ang pera kaysa sa kapatid nila!
Each time na pupunta ako sa pasay pakiramdam ko outsider ako! Sa tuwing kakausapin ko sila palaging iretable ang tone ng boses nila. Parang di na sila ung mga ate na nakagisnan ko noon. Nagbago na sila. Pinagtulungan nila akong awayin .Ayoko sanang umiyak dahil ayokong isipin nila na weak ako pero hindi q na nakayanan. Palagi n lng sila ganun! Minsan n nga lang aq pumunta roon inaaway pa nila ako. Nakakarindi. Pagkadating na pagkadating mo plang sermon na kagad ang isasalubong saiyo at ni di ka man lang tanungin kung ngugutom ka ba.Sa halip ikaw pa ang uutusan na mag-asikaso dahil un na nga lang daw ang silbi ko run. Kung magsalita sila paa bang hindi nila ako kapatid at ibang tao ako run! naaawa man ako sa papa ko dahil di nya gustong nakikita kaming nag-aaway2 ay umalis pa rin ako sa kagitnaan ng gabi.
Habang sa daan ay umiiyak pa rin ako at nagtataka ang mga tao kung bakit ako umiiyak. Meron pang tindero ng pirated dvd ang nagtanong kung ok lang ako! Lalo lang tuloy akong napapaiyak.
Pakiramdam ko ng mga sandaling iyon nais kong maglaho. Pakiramdam ko wala na akong lugar sa kahit saan.
Pagdating sa bahay pinagalitan pa ako ng mama ko dahil kulang ang nadala kong allowance. Di nya rin ako naiintindhan. Katulad ng iba puro pera lang din ang nasa isip nya. Pakiramdam ko lahat sa pamilya ay may sariling mundo at walang pakialam sa isa't-isa. Hindi ganitong pamilya ang gusto ko! Sarili na lang nla ang palagi nilang iniisip!
Nakakasawa na! Hindi na ako makahinga sa mga sumbat nila. Pakiramdam ko wala akong kwenta. Naisip ko Gusto kong pumunta sa lugar kung saan walang nakakakilala at magdidikta sa mga dapat kong gawin. Oo malungkot ako at hindi ko alam kung paano ito malalagpasan.
Nagpapasalamat na lang ako sa blogspot dahil alam kong kapag hindi ko nailabas ang nararamdaman ko ay sasabog ako. Nagpapasalamat din ako at wala akong followers kaya wala ring makakabasa ng mga paghihimutok ko rito. Ang blog na ito ang itinuturing kong sarili kong mundo. Mundo kung saan masasabi ko ang lahat ng naisin ko at lahat ng tumatakbo sa isip ko n hindi ako mag-aalala na bka makasakit sa iba dahil alam kong wala rin namang magbabasa nito.
Maybe it sounds pathetic. Depend on the internet and blog all the time. But for me, sa blogspot nagkaroon ako ng bgong bestfriend! ='c
No comments:
Post a Comment