Wednesday, February 9, 2011

Deleon Family


Panahon pa ni kopong2 ang last family pic naming mag-aanak. Kaya hanggang edit na lang ang kaya kong gawin dahil watak2 na rin naman ang tinatawag kong pamilya. Broken Family kami. Hindi ko na sinama sa page na ito ang kuya arding ko at ang anak niyang si Isabella dahil hindi naman nila kami kinikilalang pamilya. May edad na ang papa ko at may alitan sila ng mama ko na matagal2 na rin na hindi nabibigyan ng solusyon. (pareho kasi silang mapride kaya walang gusto lumapit)
            May nadagdag na dalawang myembro sa aming pamilya na sina pishot at pishao. Parehong anak ni Tantan na walang ama ang isa. Ang isa naman ay kinikilala ang anak niya pero wala naming silbi. Si Marites nakahanap na ng work sa wakas at si Andrea naman ay boyfriend ang nahanap. Si popoy naman itinuloy na ang kanyang pag-aaral pero namomroblema pa rin si nanay sa kanya.
            Mahal ko ang pamilya ko kung sa mahal pero minsan naisip ko kung bakit ba walang nangyayaring maganda sa pamilya namin? Ni minsan hindi kami nagkaroon ng outing together o makapagrelax man lang na sama2. Imposible na ata yun mangyari sa sitwasyon namin ngayon dahil nasa manila sila Papa, Marites at Andrea habang kami naman nina Nanay, Tantan at Popoy ay naririto sa cavite. Sina Kuya Arding naman halata na gusto na putulin ang koneksyon sa amin. Pakiramdam ko wala nang pakialam ang lahat sa bawat isa. Yun siguro ang dahilan kung bakit palagi akong naghahanap ng alternatives para mapawi ang kalungkutan ko(drama ba? Hehehe)
            Sana someday matupad na rin ang pangarap ko para sa pamilya namin. Yung mamuhay kami ng sama2 at Masaya. Yung walang palaging nag-aaway at tahimik na pamumuhay.

Tuesday, February 8, 2011

3rd yr 2nd Sem (Current Year)


            Wala na si Rochel, Allan at Jhane. At ngayon naman sina Julie at Mhaycy naman ang nawala. Si kua rene na lamang ang bukod tanging kasama ko. Si lester naman ay nagbalik eskwela na. Si Nico noong umpisa ko lang nakasama pero kalaunan ay di na kami nakakapagbond dahil busy na sya sa COA.
            Sa ngayon si Cecile at Herno ang madalas kong kasama pag MWF. Mas lalo ko pa ngayong nakilala ng husto si Herno dahil di na sya umiiwas katulad nung niyaya ko sya noon sa UNO. Pumunta pa nga ako sa bahay nila at nakilala mga pinsan nya. Si john naman nagging kaclose ko din dahil sya lang kilala ko sa Filipino. Sabi nga nya siguro daw kung kasama namen si Julie hindi kami makakapag-usap ng ganun. (para nya sinabi di nya ko mapapansin pag anjn si juie di va? hahaha)
            Pero ang problema nanatiling nandyan. For the second time around bagsak na naman ako sa SAD( Kaya pla ganun name ng subject na yan dahil nakakasad tlga) wala kasi kaming kagrupo. First week of meeting pa lang kasi ay nagpagrupo na agad si sir.  At nung tinanong namin si Sir kung pwede umabot hanggang pito sabi nya hindi daw. Mkahabol pa sana ako kung may sasagip sa kin at pasalihin ako sa grupo nila. Pero dahil alam naman nating lahat na sa college eh damutan at sarilinan ang labanan ay imposibleng may magpasali pa sa’yo lalo pa at may nagawa na sila. Lagi kami OP ni herno evey time na pumapasok kami sa SAD. At wala rin namang grupo na gusto magpasali samen dahil kahit di naman nila sabihin may pakiramdam naman kami. Nagtanong na ko sa lahat ng kakilala ko pero sabi nilang lahat kumpleto na raw sila. Ginawa ko tinaasan ko exam at quizzes ko. Pero in the end 72 pa din ang prelim ko. Sa groupings tlga nagbebased ng grade si sir. Nung kinausap naman namin si sir dinedma lang kami. Parang ayaw nya kami kausapin dahil na rin siguro sa marami kaming absent. Pakiramdam ko nagsawa na kong humabol ng humabol taz in the end balewala rin pala L ganun yta tlga. ALangan namang magpresent ako mag-isa eh ni topic nga na gagamitin eh hirap ako mag-isip.
            Ewan ko ba tamad na tamad talaga akong pumasok ngayong sem. Kasi ba naman sa lahat ng subject wala akong kakilala kaya ayun naging introvert tuloy ako. Sa net ko tuloy nabuhos sama ng loob ko at nakipag-away pa ako sa mga anti pages sa facebook. (pero atleast nalaman ko marunong pla ako magtaray at mga englisera pa karamihan sa kanila kaya medyo natuto rin ako.! Hehehe)
            Sa kasalukuyan ay pilit kong hahabulin ang kakapiranggot na subject na nakuha ko na bihira ko pang mapasukan. Sa ngayon ay gumagawa ako ng project sa Filipino at Psychology. Sa sociology medyo kabado rin kasi strangers lahat ng classmates ko at as in wala akong kilala. Nahihiya na nga ako kay mam eh. Sa prob and Stat lang ako madalas pumasok pero minsan lang din naman pumasok si sir. May sakit yata kasi sya.
            Maaring madagdagan pa mangyayari ngayong sem pero ewan ko rin. Walang masyadong happenings ngeun. In short boring.

3rd year College 1st Sem

                Kahit anong pagpipilit ko na makapasok pa uli si rochel ay wala na rin talagang nangyari. Dahil sa pagsaway niya sa kagustuhan ng kanyang tita na wag umalis at sumama kay Dante ay nag-ugat iyon para magalit ang tita niya sa kaya maging ang ina niya sa dubai na nagpapaaral sa kanya. Kahit napaevaluate ko na sya ay di sya nakapagbayad ng tuition fee. Naging malungkot nung nawala sya. Wala na kasing maingay. Pero sabi nga nila life must go on kahit mawala pa ang isang inspirasyon para pumasok.


            Sa pagpasok ng sem na to ok naman sa umpisa. Pero nang yayain ako ni Bai para sumali sa UNO ay naging busy ako sa pag invite ng pag invite ng mga kakilala ko para sakaling makasali rin sila. Ultimo cellphone ko binenta ko ng hindi bukal sa loob ko para lang makasali sa multi-level marketing na ito Siguro may mga tao tlgang nagsucess sa ganitong klaseng negosyo but not in my case. In the end nagsisi rin ako. Masyado akong nasilaw sa ipinapangakong tagumpay ng Uno pero bukod sa nakakasawa ang paulit2 nilang ginagawa ay hindi maganda ang pakiramdam ko. Feeling ko kasi nanloloko ako ng tao kaya nag-give up na ako after ko mapasali si Leoni. Dun ko napatunayan na true friend sya kasi pinagkatiwalaan nya ako. At even after na malaman nya kung paano ang totoong kitaan eh hindi pa rin sya nagalit.

            Sa pagsali ko roon ay di ko na gaanong napagtuunan ng pansin ang pag-aral ko. Nagkaroon rin kami ng tampuhan nina Mhaycy at Julie dahil sa inis ko sa palagi nilang late sa oras. Madalas rin absent si Mhaycy kaya ni picture taking wala na kaming time para gawin pa. May silent war din sila at namalayan na lang namin na tinanggal na pla kmi nina Tristan sa grupo. Nakabangga rin namin sina Majoy at gulong gulo na utak namin sa sunod2 na problema. Pati mga teachers iritado na sa amin at maging mga kaklase namen ay iresponsable na tingin sa amin. Tinangka naming humabol pero lahat nauwi lang sa wala. Apat na subject ko ang bagsak. SAD(nakadepense kami pero bagsak pa din kami ni MC dahil wala kami exam at di nahatak. Si Julie lang pasa.)BPC at MIS(kay sir ricafrente na kinatatakutan naming lapitan dahil palaging may sinasabing masama about us) at higit sa lahat ang MRIT na konti lang sana ang grade na dapat ko habulin para pumasa pero in the end bagsak din dahil need tlga ang project). At ang webpage na kung hindi pa ako gumawa hindi rin kami makakapasa.
            Hay.. Super frustrated ako that time. I feel so stupid dahil sa lahat ng mga bagsak ko but it was just a result of an unfortunate event. L  Super nakukunsensya din ako dahil walang kamalay2 ang papa ko sa mga bagsak ko.
            Pero tapos na eh di na mababalik pa yun. Nkakagulat lang dahil yung mismong defense namen sa sad eh may malaking pasabog na sinabi si Mhaycy. Buntis pala sya. Nagkaiyakan kami lahat. Yun pala ang reason kung bakit kadalasan moody sya at tinatamad kumilos. If I’d only knew I will never scold her.
            Malaki rin ang utang ni Mhaycy kay Julie kaya hindi nakaenroll si Julie. Ang nangyari naiwan akong mag-isa at walang choice kundi mag-aral mag-isa. This sem is a hell! Nothing good happens! >:(
 Ang nangyari dahil sa kakahintay ko kay Julie at dahil wala pa rin naman akong pera noon eh nahuli ako nag-enroll. Ikatlong araw na ata ng pasukan nung makaevaluate ako dahil sa super haba ng pila. Limang subject lang nakuha ko. SAD, Sociology, Psychology, ProbStat and Filipino II.