Wala na si Rochel, Allan at Jhane. At ngayon naman sina Julie at Mhaycy naman ang nawala. Si kua rene na lamang ang bukod tanging kasama ko. Si lester naman ay nagbalik eskwela na. Si Nico noong umpisa ko lang nakasama pero kalaunan ay di na kami nakakapagbond dahil busy na sya sa COA.
Sa ngayon si Cecile at Herno ang madalas kong kasama pag MWF. Mas lalo ko pa ngayong nakilala ng husto si Herno dahil di na sya umiiwas katulad nung niyaya ko sya noon sa UNO. Pumunta pa nga ako sa bahay nila at nakilala mga pinsan nya. Si john naman nagging kaclose ko din dahil sya lang kilala ko sa Filipino. Sabi nga nya siguro daw kung kasama namen si Julie hindi kami makakapag-usap ng ganun. (para nya sinabi di nya ko mapapansin pag anjn si juie di va? hahaha)
Pero ang problema nanatiling nandyan. For the second time around bagsak na naman ako sa SAD( Kaya pla ganun name ng subject na yan dahil nakakasad tlga) wala kasi kaming kagrupo. First week of meeting pa lang kasi ay nagpagrupo na agad si sir. At nung tinanong namin si Sir kung pwede umabot hanggang pito sabi nya hindi daw. Mkahabol pa sana ako kung may sasagip sa kin at pasalihin ako sa grupo nila. Pero dahil alam naman nating lahat na sa college eh damutan at sarilinan ang labanan ay imposibleng may magpasali pa sa’yo lalo pa at may nagawa na sila. Lagi kami OP ni herno evey time na pumapasok kami sa SAD. At wala rin namang grupo na gusto magpasali samen dahil kahit di naman nila sabihin may pakiramdam naman kami. Nagtanong na ko sa lahat ng kakilala ko pero sabi nilang lahat kumpleto na raw sila. Ginawa ko tinaasan ko exam at quizzes ko. Pero in the end 72 pa din ang prelim ko. Sa groupings tlga nagbebased ng grade si sir. Nung kinausap naman namin si sir dinedma lang kami. Parang ayaw nya kami kausapin dahil na rin siguro sa marami kaming absent. Pakiramdam ko nagsawa na kong humabol ng humabol taz in the end balewala rin pala L ganun yta tlga. ALangan namang magpresent ako mag-isa eh ni topic nga na gagamitin eh hirap ako mag-isip.
Ewan ko ba tamad na tamad talaga akong pumasok ngayong sem. Kasi ba naman sa lahat ng subject wala akong kakilala kaya ayun naging introvert tuloy ako. Sa net ko tuloy nabuhos sama ng loob ko at nakipag-away pa ako sa mga anti pages sa facebook. (pero atleast nalaman ko marunong pla ako magtaray at mga englisera pa karamihan sa kanila kaya medyo natuto rin ako.! Hehehe)
Sa kasalukuyan ay pilit kong hahabulin ang kakapiranggot na subject na nakuha ko na bihira ko pang mapasukan. Sa ngayon ay gumagawa ako ng project sa Filipino at Psychology. Sa sociology medyo kabado rin kasi strangers lahat ng classmates ko at as in wala akong kilala. Nahihiya na nga ako kay mam eh. Sa prob and Stat lang ako madalas pumasok pero minsan lang din naman pumasok si sir. May sakit yata kasi sya.
Maaring madagdagan pa mangyayari ngayong sem pero ewan ko rin. Walang masyadong happenings ngeun. In short boring.
No comments:
Post a Comment