Thursday, November 18, 2010

Boring na sem

        Kahapon lang ako unang nagbayad at kahapon lang din ako unang pumasok pero hindi pa din ako nakapasok kahapon dahil late na q at wala namang teacher sa sumunod na subject. 
        Sa totoo lang ay medyo nalulungkot ako at naboboring. Hindi lang dahil sa wala na sina Julie at Mhaycy kundi dahil na rin sa napaka-konti ng mga subjects q now. Isang subject lang na major ang nakuha q at ung apat eh puro minor na. Mabuti n lng at naririto pa rin si kuya rene para samahan ako.
        Gusto ko ring magwork katulad ni lourdes pero wala pa akong pera pang-requirements... 
        Hay.. eto na yata ang pinakapangit na sem na mararanasan ko sa tanang buhay ko. Parang ayaw ko na nga pumasok. AYaw ko na ng mga  teachers pati na rin mga estudyante. Ayaw ko na sa kanilang lahat but what choice do I Have? 
        Natutuwa na lang ako kahit papaano dahil may nakapansin na rin sa wakas ng mga kwentong ginagawa ko. Sna matupad ang pangarap ko na maging writer sa isang romance pocketbook at mapublished ito. Pag nangyari iyon ay magiging masaya ako kahit wala pa akong makasama sa school.